sa mga campuses
National

OPAPP, suportado ang pagpapaigting ng presensiya ng pulis sa mga campuses

WALANG nakikitang masama ang Office of the Presidential Adviser on the Peace Process sa pagpapaigting ng presensiya ng mga pulis sa mga campuses ng mga paaralan at unibersidad sa bansa.

Ayon kay Peace Process Secretary Carlito Galvez Jr., iba na ang panahon ngayon dahil masyado na nang radikal o bayolente ang pamamaraan ng extremism na nangyayari sa ibat ibang bahagi ng mundo.

Paliwanag ni Galvez, mahirap magampanan ng security forces ang kanilang trabaho kung malilimitahan lamang ang lugar na kanilang pwedeng pagpatrolyahan.

Naniniwala si Galvez na kung walang police presence sa isang lugar, ito ang karaniwang sinasamantala ng mga rebelde para makapag recruit ng mga kabataan at manipulahin ang mga ito.

Inihalimbawa ni Galvez ang mga nangyayaring  malawakang pamamaril o mass shooting sa ibat ibang bahagi ng mundo na ang madalas target ng mga suspek ay mga eskwelahan kaya karamihan sa mga biktima ay pawang mga mag aaral at estudyante.

Kumbinsido si Galvez na sa pamamagitan ng mas pinalakas na presensiya ng mga pulis sa mga eskwelahan at unibersidad, mapipigilan nito ang posibleng insidente ng karahasan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *