binuksan na
Showbiz

Online voting para sa Top 20 ng Miss Universe 2019, binuksan na

ISANG linggo nalang ay ipapasa na ni reigning queen Catriona Gray ang kaniyang Miss Universe crown.

Kaya naman binuksan na ang online voting para sa mga kandidatang papasok sa Top 20 spot.

Nangangahulagan ito na maaari nang iboto nating mga pinoy ang pambato ng Pilipinas na si Gazini Ganados.

Ito ay sa pamamagitan ng pag-click sa green star sa larawan ng Cebuana-Palestinian beauty sa website na vote.missuniverse.com

Aarangkada ang online voting hanggang sa December 6 na siya ring araw ng preliminary competition ng pageant.

Sa December 9 gaganapin ang coronation night ng Miss Universe 2019 sa Atlanta, Georgia.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *