Morales
National

Ombudsman Morales, naging patas sa mga hinawakang kaso

Mariing iginiit ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na kailanman ay hindi siya naging selective.

Lalo na sa mga kasong hinawakan nito sa loob ng labinlimang taon na pagiging Ombudsman ng bansa.

Sinabi nitong naging masunurin siya sa batas.

Wala siyang natatandaang naging mali sa kanyang mga naging desisyon.

Lalo na sa mga kontrobersyal na kaso laban sa katiwalian, iligal na droga at marami pang iba.

Paglilinaw pa ni Morales, naging patas siya sa mga perosonalidad na sinampahan ng kaso sa kanyang opisina.

Nagbase din siya sa mga inilalatag na ebidensiya bago niya desisyunan ang mga ito.

Morales: “Mataas ang conviction rate ng aking opisina”

Sa katunayan aniya umabot sa 77% conviction rate ang kanyang opisina sa loob ng kanyang mahigit sa isang dekadang panunungkulan sa gobyerno.

Ilan sa mga personalidad na nasampahan ng kaso sa kanyang opisina ang mga senador na sina Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla na pawang sangkot sa kontrobersiyal na PDAF scam.

Kabilang din ang dalawang mga naging pangulo ng bansa na sina dating pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria-Macapagal Arroyo at former president na si Noynoy Aquino dahil sa usapin ng Dengvaxia.

Sa July 26 ang itinakdang araw ng retirement ni Morales.

Pol Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *