National

Ombudsman Conchita Carpio Morales, sunod na sasampahan ng reklamong impeachment ng VACC

Nakatakdang sampahan ng impeachment complaint sa susunod na linggo si Ombudsman Conchita Carpio Morales.
Pangungunahan ang nasabing paghahain ng reklamo ng grupong Volunteers Against Crime and Corruption O VACC.
Kakaharapin ni Morales ang mga paglabag gaya ng betrayal of public trust at culpable violation of the Constitution.
Ayon kay VACC Lawyer Manuel Luna, matagal na nilang napapansin ang tila bias na mga desisyon ni Morales sa mga kasong nakahain sa kaniyang opisina.
Partikular ding binanggit ni Luna ang isyu ng selective justice sa mga kalaban ng dating nag appoint sa kaniya na si dating Pangulong Noynoy Aquino.
Aniya, sa dami ng mga sinampahan ng kaso kaugnay sa usapin ng pork barrel scam, ngunit hanggang ngayon ay iilan palang ang napapanagot ng kaniyang opisina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *