Olivia Rodrigo at Lil Nas X, nanguna sa 3 MTV VMAs Awards 2021

Olivia Rodrigo at Lil Nas X, nanguna sa 3 MTV VMAs Awards 2021

NANGUNA ang first-time nominee sa MTV Video Music Awards ang Filipino-American na si Olivia Rodrigo at ang American rapper at song-writer na si Lil Nas X.

Hindi naging hadlang para sa mga Iconic Artist ngayong taon na sila ay mabigyan ng parangal kahit na mayroong pandemya.

Ginanap ang naturang half-virtual/half-live awarding sa Barclays Center sa New York kung saan ay naging host dito si Doja Cat at kapwa nitong mga nominado.

Inabangan din dito ang sikat na K-pop group na BTS kung saan parehong natanggap ng grupo at Justin Bieber ang Moon Person awards.

Natanggap ni Olivia ang Song of the Year, Best New Artist, at Push Performance of the Year. Habang Video of the Year, Best Direction, at Best Visual effects naman kay Lil Nas X.

Olivia Rodrigo, MTV VMAs Awards 2021
Olivia Rodrigo, MTV VMAs Awards 2021
Lil Nas X, MTV VMAs AWARDS 2021
Lil Nas X, MTV VMAs Awards 2021

Gayunpaman, nagpapasalamat ang disi-otso anyos dahil sa patuloy na suporta sa kanyang fans.

Ibinida naman ni Olivia ang pag-perform ng album nitong ‘Good 4 U’ sa VMAs.

Samantala, matatandaan na bago pa nasungkit ni Olivia ang tagumpay ay naging usap usapan naman ang akusa laban sa rising star ang pag-kopya sa album na Hole ni Courtney Love at sikat na mga artist na sina Taylor Swift at Paramore.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *