Oklahoma City Thunder, pinuwersa ang Houston Rockets sa do-or-die game

Oklahoma City Thunder, pinuwersa ang Houston Rockets sa do-or-die game

PINUWERSA ng Oklahoma City Thunder ang Houston Rockets sa do-or-die Game 7 sa nagpapatuloy na NBA playoffs.

Tinalo sa Game 6 ng Thunders ang Rockets sa iskor na 104-100.

Naging dikitan naman ang naging laro sa pagitan ng dalawang koponan mula sa unang quarter hanggang matapos.

Naging susi naman sa panalo ng Oklahoma City Thunder si Chris Paul na may 28 points, 7 rebounds, at 3 assists habang nag-ambag naman si Danilo Gallinari ng 25 points.

Hindi naman sumapat ang 32 points ni James Harden para tuluyang tapusin ang kanilang kampanya sa round 1 ng playoffs.

Muling maghaharap ang dalawang koponan sa Huwebes para sa kanilang do-or-die game.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *