price rollback
Business

Oil price rollback, ipatutupad ng ilang kompanya ng langis simula bukas

MAGPAPATUPAD ng price rollback sa mga produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis simula bukas, Agosto 13.

Sa abiso ng Shell at Petro Gazz, P1.10 ang bawas presyo sa kada litro ng diesel habang  P0.50 sa kada litro ng gasolina na kanilang ipatutupad simula 6:00 ng umaga.

Ganito rin ang presyo na nauna nang ipinatupad ng Phoenix petroleum, Seaoil at CleanFuel.

Magpapatupad din ng rollback na P1.10 sa kada litro ng diesel at P0.55 naman sa kada litro ng gasolina ang Caltex na epektibo simula 12:00 ng hatinggabi.

Magbabawas din ng P1.30 sa kada litro ng kerosene ang Shell, Petro Gazz at Caltex.

Ang naturang oil price rollback ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *