Ogie Alcasid, lubos na nagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang ama

Ogie Alcasid, lubos na nagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang ama

LUBOS na nagdadalamhati ngayon ang OPM singer na si Ogie Alcasid sa pagpanaw ng ama nito na si Herminio Alcasid Sr., Martes ng umaga.

Sa Instagram post ng mang-aawit tampok dito ang larawan nilang mag-ama at  may caption na hindi nila makakalimutan ang kanilang ama at mahal na mahal nila ito.

Gayunpaman, hindi sinabi ni Ogie Alcasid kung ano ang dahilan ng pagpanaw ng kanyang ama.

Samantala, inulan naman ng pakikiramay mula sa kaniyang kasamahan sa industriya maging ang mga taga hanga nito.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *