OFW Hospital Bill
National

OFW Hospital Bill, aprubado na sa Kamara

APRUBADO na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na magtatag ng ospital para sa pangangailangan ng mga overseas Filipino workers (OFWs), ang OFW Hospital Bill.

Nakakuha ng 180 na yes votes at walang tutol na mambabatas sa nasabing panukala.

Layon ng panukala na magtagtag ng tertiary level care para sa mga OFW pati na rin sa mga kamag-anak at dependents nito.

Hahawakan ng Department of Health ang administrative at technical supervision ng mga OFW hospitals habang ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) naman ang magdedetermina sa contributors at legal dependents ng bawat OFW.

Pagsisilbihan din ng OFW hospital ang mga repatriated Pinoy workers lalo na yung mga nangangailangan ng serbisyong medikal.

Balak itayo ang kauna-unahang OFW hospital sa Pampanga.

Samantala, nananatili namang nakabinbin sa committee level ang counterpart bill nito sa Senado dalawang araw bago tuluyang magsara ang 17th Congress.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *