Official movie posters
Showbiz

Official movie posters ng Cinemalaya 2019, inilabas na

INILABAS na ang official movie posters ng mga pelikulang pasok sa ika-15 taon ng prestihiyosong Cinemalaya Independent Film Festival.

Sa social media, isa-isa ipinatikim ng Cinemalaya ang mga pelikulang aabangan sa naturang film fest na ilalabas sa susunod na buwan.

Ikinatuwa ng mga movie enthusiast ang desisyon ng Cinemalaya na mas maraming pelikula ang ipalabas ngayong taon na umabot sa 11 films.

Kabilang sa Indie film na pasok sa pamosong filmfest ay ang Ani, Belle Douleur, Children of the River, Edward, Fuccbois, Iska, John Denver Trending, Malamaya, Pandanggo sa Hukay at Tabon.

Magbubukas ang 2019 Cinemalaya Film Festival sa August 2 at magtatapos sa August 13.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *