ocular inspection
Metro

Ocular inspection sa Ninoy Aquino International Airport, sinimulan na

SINIMULAN na rin ng mga airport official ang ocular inspection sa mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ay  bilang paghahanda sa Undas.

PINANGUNAHAN ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal ang pag-iinspeksyon sa paliparan.

Kasama rin ni Monreal si Civil Aeronautics Board (CAB) Executive Director Carmelo Arcilla.

Sinubukan ng mga ito ang pagdaan sa final x-ray inspection, gayundin ang pag-aalis ng sapatos at ibang metal objects.

Pinuna naman ni Monreal ang pamunuan ng Cebu Pacific dahil sa magulo at kawalan ng sistema sa boarding ng mga pasahero nito.

Sa ngayon, mahigpit na ang seguridad sa paliparan.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *