OCTA Research, positibong mas maraming negosyo ang mabubuksan sa 4th quarter ng 2021

OCTA Research, positibong mas maraming negosyo ang mabubuksan sa 4th quarter ng 2021

POSITIBO ang OCTA Research na maraming mga negosyo ang makakarekober sa 4th quarter ng taong 2021.

Ito’y matapos ibahagi ng OCTA Research na patuloy na bumababa ang kaso ng mas nakakahawang Delta variant sa Pilipinas.

Wala na rin silang nakikitang panibagong variant na umuusbong sa bansa.

Malaki raw ang tsansa na mas marami pang mga negosyo ang papayagang magbukas.

Kaugnay nito ay muling ipinanawagan ng ilang business owners ang tuloy tuloy na pagluluwag ng mga restriksyon para sa mga bakunado o ‘fully-vaccinated’ na indibiduwal para mabuhay nang muli ang aktibidad sa ekonomiya sa National Capital Region (NCR).

Paliwanag ni Sec. Joey Concepion, Presidential Adviser on Entrepreneurship, ang pagbubukas ng mas marami pang economic activites para sa mga fully vaccinated ay makatutulong sa tuloy-tuloy na pagbangon ng ekonomiya.

Matatandaang umapela  si Concepion na taasan sa 50% ang capacity para sa mga dine-in at personal care services sa mga bakunado sa fourth quarter ng taong 2021.

Aniya, ang kanyang suhestyon ay dahil na rin sa realidad na hindi sapat ang kikitain ng mga establisimyento kung mananatili lamang sa 10% ang operating capacity.

Hirit naman ng Philippine Retailers Association sa IATF na payagan at hayaang makapag-operate ang mga non-essential services ngayong fully vaccinated na ang kanilang mga empleyado.

Para naman sa Restaurant Owners Association of the Philippines, bigyan ng tsansa ang bagong quarantine classification na ipinatutupad sa NCR habang patuloy na sinusunod ang mga health protocols.

Sa kasalukuyang quarantine restriction, 10% lamang ang pinapayagan na kapasidad para sa dine-in ng mga bakunado habang 30% maximum capacity sa outdoor o al fresco dining para sa bakunado o hindi bakunado.

Ganito rin ang capacity na ipinatutupad sa mga persona care establishments.

BASAHIN: Mga walang trabaho o negosyo sa bansa noong Hulyo, naitala sa 3.07-M

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *