Number coding scheme, suspendido pa rin—MMDA

Number coding scheme, suspendido pa rin—MMDA

NANANATILING suspendido pa rin ang number coding scheme ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Metro Manila.

Mula ito sa twitter post ng naturang opisina.

Mababatid na ang Unified Vehicular Volume Reduction Program o number coding scheme sa Metro Manila ay nagsimula noong nakaraang taon.

Itoy matapos limitado lang ang bilang ng passenger capacity sa bawat pampublikong sasakyan kasabay ng pagpapatupad ng iba’t ibang quarantine classification status upang mapigilan ang paglaganap ng COVID-19.

Dahil dito, ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, mas kakailanganin ng maraming sasakyan kung kaya’t sinuspende na nila ang number coding scheme.

Kung ipatutupad din kasi ani Abalos kung luluwag ang quarantine restriction, mapipilitan dring mag-carpooling, bagay na makokompromiso ang kanilang kalusugan sa gitna ng pandemya.

 

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *