muling nagwagi
Sports

NU Pep Squad, muling nagwagi sa Season 82 ng UAAP Cheerdance Competition

MULING nag-kampeon ang National University Pep Squad sa ika-anim na pagkakataon sa Season 82 ng UAAP Cheerdance Competition.

Gamit ang kanilang kamangha-manghang routine, stunts, toss at tumblings ay nadepensahan ng NU Pep Squad ang kanilang titulo laban sa pitong unibersidad na nakilahok sa kompetisyon.

Nanguna sa apat na limang criteria ang squad ng blue and gold na nagkaroon ng 722 points sa kabila ng four deduction points.

Nagtapos naman sa 2nd place ang FEU Cheering Squad na may 706 points at itinanghal na 3rd place ang Adamson University Pep Squad na may 685 points.

Ang nasabing top 3 ay kaparehong koponan din na nanalo noong nakaraang taon sa naturang torneyo.

 

SMNI NEWS 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *