NTF, binisita ang mega COVID field hospital ng Maynila

NTF, binisita ang mega COVID field hospital ng Maynila

BINISITA ng National Task Force against COVID-19 ngayong araw ang mega COVID field hospital ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

Kabilang sa mga bumisita ay sina vaccine czar Carlito Galvez Jr., Health Secretary Francisco Duque III, testing czar Vince Dizon, Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat, Metro Manila Development Authority General Manager Jojo Garcia, Manila Mayor Isko Moreno at iba pang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Health (DOH).

Kasalukuyang itinatayo sa 2.8 hectares Burnham Green ng Rizal Park ang naturang COVID field hospital.

Sinimulan ang konstruksyon noong Abril 14 matapos pinahintulutan ng DOT ang Manila City government.

Nasa 336 ang bed capacity ng pasilidad at ilalaan ito para sa mga mild to moderate COVID-19 patients.

At kung matatapos na ito, anim na district hospital ng Manila ang mababakante at mailalaan na nila ang kanilang mga kama para sa mga severe at critical COVID patients.

Target ng Manila LGU na matatapos ang konstruksyon sa loob lamang ng dalawang buwan.

Matatandaang dahil sa patuloy na pagdami ng mga taong nahahawaan sa virus sa Metro Manila karamihan sa mga ospital sa capital region ay hindi na kayang mag-asikaso ng karagdagang pasyente.

(BASAHIN: Hospital occupancy sa NCR, malapit na sa critical level —UP OCTA)

Sa datos ng DOH hanggang Abril 19, 84% ng ICU beds sa Metro Manila ay okupado na at 63% ng mga isolation beds ay nagamit na rin, habang 70% na ring puno ang mga ward beds.

Una namang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na marami pang mga pasilidad para sa mga COVID-19 patients ang bubuksan sa darating na mga linggo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *