NTF-ELCAC, naresolba ang sanhi ng hidwaan sa pagitan ng makakaliwang grupo at gobyerno

NTF-ELCAC, naresolba ang sanhi ng hidwaan sa pagitan ng makakaliwang grupo at gobyerno

NARESOLBA ng NTF-ELCAC ang puno’t dulo ng hidwaan sa pagitan ng makakaliwang grupo at gobyerno, sa State of the Nation Address (SONA)ng ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kahapon.

Isa sa kanyang ibinahagi sa ating mga kababayan ang pagbabagong nangyari sa makakaliwang grupo na hindi pa nangyari sa mga nakaraang administrasyon.

Sa talumpati ng Presidente na ginanap kahapon lamang, ay ibinahagi nito kung gaano kalaking tulong ang naibigay ng pagbuo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) para maresolba ang puno’t-dulo’ng sanhi ng hidwaan sa mga rebeldeng grupo sa bansa.

“With the creation of the National Task Force to End [Local] Communist Armed Conflict or NTF-ELCAC, we have made great strides in addressing the root causes of this conflict by empowering our kababayans (countrymen) who have been used by the communists for so many decades,” ayon sa Pangulong Duterte.

Ayon sa Pangulo, dahil sa NTF-ELCAC ginawa ang lahat ng makakaya nito para ipagpatuloy ang nasimulan na kung saan ay magkaroon ng mapayapa at walang bahid ng impluwensiya ng makakaliwang grupo na mga barangay.

Giit pa nito na ang task force ay nakapagbigay na ng mga imprastraktura at iba pang development projects sa mga barangay na dating ginambala ng mga bayolenteng komunista sa pag-aalsa na ngayon ay pinaglaanan na ng budget para sa mga proyekto gaya ng mga kalsada sa liblib na lugar papuntang pamilihan, sanitation system, patubig, health stations at livelihood projects.

Sa minimithing peace and development programs para sa mga komunidad na dating sinakop ng mga komunistang grupo, sinabi ni Duterte na nasa 17,000 na dating mga rebelde, na binubuo ng New People’s Army (NPA) at Militia ng Bayan, ang sumuko na sa gobyerno

Sa ilalim ng NTF-ELCAC, naitulak ng gobyerno ang Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) para sa mga dating mga rebelde na nagkaroon ng maganda at mas maunlad na buhay at muling nakabalik sa kani-kanilang mga komunidad.

Samantala, kumpiyansa naman ang Presidente na ang suporta na matatanggap ng mga rebeldeng grupo ay matitigil dahil sa binibigay na tulong ng Local Government units (LGUs) laban sa Communist Terrorist Groups (CTGs)

“With the support of our local government units, I am confident that support for the communist movement will continue to erode in the next few months. And like the decades-old Moro rebellion in Mindanao, we will also bring an end to the armed struggle of the communists once and for all,” ayon sa Pangulong Duterte.

Sabi ng Pangulo 53 taon na at hanggang ngayon ay marami pa ring namamatay na mga cadre na karamihan ay galing sa Indigenous tribe sa giyera sa pagitan ng militar at mga komunistang grupo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *