inatasan
National

NTC, inatasan ang mga telcos na magkaloob ng libreng tawag at charging sa mga lugar na lubhang sinalanta ng bagyong Tisoy

INATASAN ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng telecommunication entities na magkaloob ng libreng tawag at libreng charging ng mobile phones sa mga lugar na lubhang nasalanta ng bagyong tisoy.

Ito ay dahil patuloy pa ang restoration sa power at telecommunication services sa mga apektadong lugar.

Sa inilabas na memorandum ni NTC commissioner Gamaliel Cordoba, inatasan din nito ang mga telcos na magsumite ng report sa kanyang tanggapan hinggil sa kanilang pagtalima sa naturang kautusan.

Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), malaking bahagi ng lalawigan ng Samar at Bicol region at iba pang bahagi ng Luzon ang nawalan ng suplay ng kuryente at naputol ang komunikasyon dahil sa pagbayo ng bagyong Tisoy.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *