Novak Djokovic, naiuwi ang tropeyo sa katatapos lang na Italian Open

Novak Djokovic, naiuwi ang tropeyo sa katatapos lang na Italian Open

NAIUWI ng Serbian professional tennis player na si Novak Djokovic ang tropeyo ng katatapos lang na Internazionali Bnl D’Italia Final.

Ito ay matapos na payukuin ni Djokovic ang katunggaling si Diego Schwartzman sa iskor na 7-5, 6-3.

Dahil sa panalo ni Novak, naungusan na nito ang kanyang mahigpit na katunggaling si Rafael Nadal sa masters 1000 trophy.

Sa ngayon, hawak ni Djokovic 36th Masters 1000 Trophy habang may 35 crown si Nadal.

Isinagawa naman ang Italian Open sa Rome.

 SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *