short-range missiles
International

North Korea, nagpakawala ng short-range missiles bilang babala

NAGPAPUTOK ng dalawang short-range missiles sa karagatan ang North Korea ngayong Huwebes bilang babala sa gaganaping military exercise sa pagitan ng Washington at Seoul sa buwan ng Agosto.

Nagbabala ang North Korea na maaapektuhan ng war games ang muling pagpapatuloy ng denuclearize talks sa pagitan ng Washington at Pyongyang.

Ayon naman sa joint chiefs of staff ng South Korea ay nakahanda ito sakali na muling magpakawala ng karagdagang missiles ang North Korea.

Kinumpirma naman ng Japan na hindi umabot ang missiles sa kanilang exclusive economic zone at wala umano itong epekto sa kanilang national security.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *