MISSILE TEST
International

North Korea, binalaan ang Amerika at ilang European countries laban sa kanilang missile tests

BINALAAN ng North Korea ang Amerika, Britain, France at Germany noong lunes kaugnay sa gagawing talakayan tungkol sa missile tests ng Pyongyang sa harap ng United Nations Security Council.

Ngayong martes ay nakatakdang magsagawa ng closed door talks ang 15 miyembro ng council upang talakayin ang panibagong ballistic missile tests ng North Korea noong miyerkules.

Nakiusap ang Germany, Britain at France na isagawa ang talakayan kaugnay sa missile test ng Pyongyang habang sinabi naman ni North Korean UN Ambassador Kim Song na naniniwala silang may kinalaman ang Amerika sa naging desisyon ng nasabing mga bansa.

Babala ni Kim ay ang pagpuna sa self-defensive measures ng Pyongyang ay lalo lamang makakapaghikayat sa kanilang bansa na gumawa ng paraan upang mas depensahan pa ang North Korea.

Ang panibagong ballistic missile test ay isinagawa ng North Korea noong miyerkules ilang oras lamang matapos itong pumayag na muling makipag-usap sa Amerika kaugnay sa naantalang denuclearization talks sa Korean Peninsula.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *