North Cotabato
Regional

North Cotabato, niyanig ng magnitude 5.3 na lindol kagabi

NIYANIG ng magnitude 5.3 na lindol ang North Cotabato kagabi.

Ayon sa Phivolcs, alas-8:37 kagabi nang mangyari ang pagyanig sa 8 kilometers southwest ng makilala sa nasabing probinsya.

Tectonic ang origin ng lindol na may lalim na limang kilometro.

Naramdaman din ang pagyanig sa General Santos City.

Naitala naman ng Phivolcs ang Intensity 4 sa Kidapawan City.

Sa ngayon ay patuloy na inaalam ng mga otoridad kung may naitalang pinsala ang naturang pagyanig na sinundan pa ng mga aftershocks.

Bunsod nito walang pasok sa lahat ng antas sa Kidapawan City, Makilala, North Cotabato.

Ayon kay Makilala Disaster Risk Reduction and Management Officer Sonny Fontanilla, sinuspinde ang pasok sa lahat ng antas sa mga pribado at pampublikong paaralan ng lungsod para makapag-inspeksiyon sa mga gusali.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *