National

Non- compliance ng mga maritime school sa STCW for Seafarers, paiimbestigahan sa Kamara

PAIIMBESTIGAHAN ni Marino Party-list First Representative Sandro Gonzalez sa Kamara ang non-compliance ng mga maritime school sa Standards of Training, Certification and Watchkeeping o STWC for Seafarers.

Ani Gonzalez, nakakadismaya na ang report ng Marina na 61 sa 91 maritime schools sa bansa ang napipintong ipasara dahil sa hindi pagsunod sa international standards para sa mga seaman.

Aniya, nakakabahala ang ulat na ito lalo’t kasalukuyang sumasailalim ang bansa sa audit ng European Maritime Safety Agency kung nasusunod ba ang STCW.

Kung magkataon, maaaring hindi na bigyan o kilalanin ng European Union ang certificates ng Pinoy seafarers na malaking dagok sa kanilang trabaho at employability.

Hindi matanggap ng mambabatas kung paanong sa mahabang panahon ay ipinagkibit-balikat lamang ito ng mga opisyal ng pamahalaan.

Sa kasalukuyan, magkatuwang ang Commission on Higher Education at Maritime Industry Authority sa pamamalakad ng mga maritime schools sa bansa sa ilalim ng EO 63.

MJ MONDEJAR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *