Noli De Castro, binawi ang kandidatura sa pagkasenador sa 2022 elections

Noli De Castro, binawi ang kandidatura sa pagkasenador sa 2022 elections

BINAWI ni Noli De Castro ang kandidatura sa pagkasenador sa 2022 elections.

Pinasalamatan ng radio at tv broadcaster na si Noli De Castro si Manila Mayor Isko Moreno dahil sa pagtanggap sa kanya sa Aksyon Demokratiko Party para maging bahagi ng senatoriable ng partido para sa 2022 elections.

Ito ay matapos na naghain kanina ng statement of withdrawal sa Commission on Elections si De Castro.

Sinabi ni kabayan na nagsumite siya ng kaniyang kandidatura, huling-araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy noong Biyernes, October 8 pero biglang nagbago ang kanyang plano.

Kaugnay pa rin nito ay pinasalamatan din ni De Castro ang mga kaibigan at mga supporters na naghahanda na para sa kanyang nalalapit na kampanya pero napagdesisyunan na umano niyang hindi na ituloy ang kanyang kandidatura.

Ito anya ay dahil naniniwala siyang mas makakatulong siya sa sambayanan sa pamamagitan ng pagbibigay ng boses o bilang mediaman.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *