CORONAVIRUS

“No Visitor Policy” ipinatupad sa DILG-Napolcom Center

ISINAILALIM sa  isang linggong lockdown ang gusali ng DILG-Napolcom center sa Quezon City matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isa nitong senior official.

 

Kaugnay nito,  agad na ipinag-utos ng ahensiya na ipagbawal muna ang pagtanggap ng bisita upang maiwasan ang pagkalat at hawaan ng sakit.

 

Pero ayon sa tagapagsalita ng DILG na si Undersecretary Jonathan Malaya, hindi nito maaapektuhan ang kabuuang serbisyong inihahatid ng kagawaran sa kanilang central office, ito’y dahil pwede naman silang magpatupad ng work-from-home scheme o kaya’t magpalabas ng dokumento sa lobby ng naturang gusali.

 

“We understand that DILG is a frontline agency in this pandemic so we cannot stop operations so our officials will still continue to work at our extension or other offices outside of the DILG-Napolcom Center or from their homes while all our attached agencies are fully operational, especially the PNP, BJMP, and BFP,” pahayag ni Malaya.

 

Dagdag pa ni Malaya, mananatili ang operasyon ng bawat tanggapan ng DILG magpahanggang sa mga field units nito.

 

“The Department remains steadfast in our commitment of capacitating and nurturing local government units, and supervising public order and safety institutions even amidst the COVID-19 pandemic,”aniya.

 

Kasunod ng pagsasailalim ng gusali sa lockdown, magsasagawa ng disinfection sa mga opisina nito, gayundin ang contact tracing sa lahat ng mga kawani nito.

 

Samantala, nakatakda namang magtapos ang ipinatutupad na lockdown sa gusali sa 13 ng Hulyo.

 

Mahigpit na ipinapayo ng ahensiya sa publiko na ipadaan na lamang ang mga transaksyon ng mga ito sa email, telepono, at social media ng kagawaran.

 

SMNI NEWS

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close