“No home quarantine” para sa lahat ng COVID-19 patients, pinag-aaralan na

“No home quarantine” para sa lahat ng COVID-19 patients, pinag-aaralan na

PINAG-aaralan na ng pamahalaan ang mahigpit na pagpapatupad ng “no home quarantine” para sa lahat ng COVID-19 patients.

Ito ang inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Chief Eduardo Año.

Paliwanag ni Año, mahalaga ang “no home quarantine” dahil posibleng makahawa pa ang pasyente sa mga miyembro ng kanyang pamilya.

Iginiit ng DILG chief na kailangang isolate ang mga COVID-19 patient, mahirap man o mayaman.

Sinabi ng kalihim na inaasahan niyang aaprubahan ng Inter-Agency Task Force ang polisiya ukol dito ngayong linggo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *