No face shield, no ride policy sa mga public commuter, ipatutupad ng DOTr

No face shield, no ride policy sa mga public commuter, ipatutupad ng DOTr

 

BUKOD sa facemask, obligado na rin ang lahat ng pasahero ng mga pampublikong sasakyan na magsuot ng face shield.

Batay ito sa Memorandum Circular No. 2020-014 na inilabas ng Department of Transportation (DOTr).

Ayon sa DOTr, epektibo ito simula sa Agosto 15.

Habang obligado naman ang mga pasahero ng anumang sasakyang pandagat na magsuot ng face shield simula sa Biyernes, Agosto 7, 2020.

Ang no face shield, no riding policy ng DOTr ay bahagi ng kampanya laban sa COVID-19.

 Mga lumabag sa panahon ng community quarantine

Aabot na sa 290, 000 na katao ang binalaan, pinagmulta at kinasuhan dahil sa paglabag sa quarantine rules sa nakalipas na limang buwan.

Sa ulat ng Joint Task Force Shield on COVID-19, may kabuuang 289,900 violators na mula nang magsimula ang community quarantine noong Marso 17 hanggang Agosto 3.

Ayon sa mga awtoridad, patuloy ang mga paglabag kahit sa unang araw ng pinaigting na restriction noong Martes.

Batay anila sa ulat, marami pa ring indibidwal ang lumalabas ng bahay at gumagala sa iba’t ibang lugar kahit hindi sila kasama sa listahan ng authorized persons outside residence maging mga restaurant na tumatanggap ng dine-in.

Althea Philippines

Sinabi ng JTF Shield na ipinag-utos na nila sa police commanders sa Metro Manila at karatig probinsya na paigtingin ang police visibility sa mga pampublikong lugar.

Matatandaang inilagay ang Metro Manila, Bulacan, Cavite at Laguna sa Modified Enhanced Community Quarantine simula Agosto 4 hanggang 18.

 SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *