Good Conduct Time Allowance
National

Nilalaman ng Good Conduct Time Allowance, dapat umanong muling pag-aralan

WALA pang malinaw na Implementing Rules and Regulation ang Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Ito ang iginiit ni Volunteers Against Crime and Corruption o VACC Boy Santiago, kasunod ng napipintong paglaya ni dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Aniya, maganda ang batas ngunit kailangang dumaan sa masusing pag-aaral dahil maaring maging daan ito ng pang-aabuso at kurapsyon.

“So yung transparency again na don, under the contol and supervision yan ng doj so kailangan meron talagang mga tao dun na appointed yung may trust and confidence ang leadership,” ayon kay Santiago.

Nararapat din aniya na bantayan ang pagpapatupad sa GCTA dahil maaaring makalusot ang mga inmate na may major crime.

Samantala, sinabi rin ni Santiago na napapanahong ng ibalik ang death penalty sa bansa para sa mga politiko, drug dealers, generals at sa lahat ng may major crimes.

“‘Pag naibalik ang hatol na kamatayan pag pulis ka, men in uniform ka that includes the PNP, Arm Forces at NBI na men in uniform na pinag-aral natin, na-training natin, binigyan tayo ng skills tapos gagamitin gagatin against us, automatic ‘yan pasok ka sa death penalty,” dagdag ni Santiago.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *