Night time bakuna para sa A4 binuksan ng Quezon at Valenzuela City

Night time bakuna para sa A4 binuksan ng Quezon at Valenzuela City

MAYROON nang night time bakuna laban sa COVID-19 sa ang Quezon City at Valenzuela City para sa mga manggagawa.

Parehong binuksan kagabi ng dalawang lungsod ang kanilang night time vaccination program.

Ayon kay Quezon City Mayor Belmonte sa isang statement, inilunsad ito ng lungsod para makapagpabakuna na ang mga manggagawa na hindi magawang makapag-absent sa trabaho sa umaga lalo ang mga “No Work No Pay”.

“Para ito sa mga manggagawa natin na hindi naman makaliban sa kanilang trabaho para makapagpabakuna sa karaniwang oras na 8am-5pm. Lalo na ‘yung mga arawan ang sahod. Ngayon, hindi na nila kailangang mamili kung arawang kita ba muna or bakuna. We will inoculate them at a time most convenient to them,” pahayag ni Mayor Belmonte.

Ang naturang night time vaccination ng Quezon City na tinaguriang “bakuna nights” ay bukas mula alas 6:00 ng gabi hanggang alas 10:00 ng gabi.

Ayon sa Quezon City LGU aabot sa 2,000 pre-registered na essential worker ang binakunahan sa unang pagkakataon kagabi sa Quezon City Hall.

Sa lungsod naman ng Valenzuela, bukas ang kanilang night-shift vaccination sa Pasolo Elementary School mula 6:00 ng gabi hanggang 10:00 ng gabi.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *