Newlywed na sina Megan Young at Mikael Daez, lilisanin na ang Metro Manila

Newlywed na sina Megan Young at Mikael Daez, lilisanin na ang Metro Manila

NAPAGDESISYUNAN na ng newlywed na sina Megan Young at Mikael Daez na lumipat sa Subic at tuluyan nang lisanin ang Metro Manila.

Sa isang episode ng podcast ng mag-asawa sinabi ni Mikael na pumunta sila ng Subic para lamang tingnan ang lugar na lilipatan nila at magre-rent din ang mga ito para alamin kung maganda bang manirahan doon.

Magugunita na halos 2 taong nanirahan ang dalawa sa condo unit nila at nagpakasal nitong Enero 2020.

Ayon naman kay Megan sa papalapit na 2021 na-realize niya na hindi niya kailangan ng maraming damit o mga abobot dahil mas magandang mamuhay ng simple.

Natuwa naman ang mga fans sa magandang samahan ng dalawa at nakikita ng netizens na handa na ang dalawa para bumuo ng sariling pamilya.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *