New South Wales, magbubukas ng COVID-19 mass vaccination hub sa Sydney

New South Wales, magbubukas ng COVID-19 mass vaccination hub sa Sydney

MAGBUBUKAS ng mass vaccination hub ang New South Wales (NSW) sa Homebush sa Sydney upang makatulong sa COVID-19 vaccination roll-out sa estado.

Ang clinic na ito ay nakatakdang  magbigay ng 30,000 dosis ng bakuna kada linggo.

Bukod dito ay isa pang 30,000 na dosis kada linggo ang ibibigay sa 100 na iba pang site sa buong estado.

Ayon kay NSW Health Minister Brad Hazzard, umaasa ang mass vaccination hub sa kakayanan ng commonwealth na makapagbigay ng mga dosis ng bakuna.

Health Minister Brad Hazzard
New South Wales, Sydney Australia Health Minister Brad Hazzard

Dagdag pa dito, sinabi nya na ginagawa  ng NSW ang dapat nitong gawin upang matulungan ang mga mamamayan na mabakunahan sa oras na maibigay na ng federal government ang bakunang gagamitin.

Samantala, matatagpuan ang hub na ito sa commercial building ng gobyerno.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *