panalo
Sports

New Orleans Pelicans, panalo laban sa Detroit Pistons sa OT game

PINAYUKO ng New Orleans Pelicans via overtime game ang Detroit Pistons sa kanilang naging harapan sa nagpapatuloy na NBA Regular Season.

Kontrolado ng Pelicans ang unang tatlong bahagi ng laro ngunit nagawang makabawi ng Pistons sa 4th Quarter at ihirit ang overtime game matapos maitabla ni Derrick Rose 102 ang kanilang iskor sa huling minuto.

Gayunman, bigo pa rin ang 23 points na nagawa ni Rose para manalo sa kanilang laban.

Nanguna naman para sa panalo ng Pelicans si Jahil Okafar na may 25 points at 14 rebounds.

Habang nag-ambag naman sina Nicolo Melli ng 20 points, Lonzo ball na may 17 points at 12 rebounds at E’twaun Moore ng 1 points para sa panalo ng kanilang koponan.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *