Showbiz

Netizens, nagulat at kinilig sa tweet post nina Atom Araullo at Gretchen Ho

Maraming netizens ang nagulat at kinilig sa reaksyon ni Atom Araullo sa Valentine tweet ng tv morning show host na si Gretchen Ho.

Sa isang twitter post ay ibinahagi ng volleyball superstar ang picture niya kung saan nakaupo siya sa loob ng isang kwartong punong-puno ng heart-shaped displays at may caption pa na “Waiting for my lifetime Valentine.”

Sa hindi inaasahan ay nag-reply si Atom sa tweet ni Gretchen at sinabing, “Stop this now.”

Tila nalito naman ang dalaga sa comment ng kapuso reporter at sinagot niya ito ng maraming question marks.

Sa hindi malamang dahilan ay binura ni Gretchen ang naturang tweet.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *