Net satisfaction rating
National

Net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte, bahagyang bumaba

BAHAGYANG bumaba ang net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Batay sa September 2019 survey ng SWS, bumaba sa positive 65 ang rating ng pangulo kumpara sa positive 68 na nakuha nito noong July 2019 survey.

Sa kabila nito, nanatili pa rin na “very good” ang net satisfaction rating ng presidente.

Lumabas sa survey na 78% ng respondents ang nagsabing kuntento sila sa performance ng pangulo, 13% ang hindi kuntento habang 9% ang ‘undecided’.

Nakapagtala ng pagtaas ng satisfaction rating ang punong ehekutibo sa Metro Manila at Visayas habang malaki ang naitalang pagbaba sa balance Luzon at sa Mindanao.

Isinagawa ang survey mula Setyembre 27 hanggang 30 sa pamamagitan ng face to face interview sa 1,800 adults.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *