NEDA, inilatag ang 5 sa pinakamalaking kontribusyon sa administrasyong Duterte

NEDA, inilatag ang 5 sa pinakamalaking kontribusyon sa administrasyong Duterte

INIULAT ng National Economic Development Authority (NEDA) ang lima sa mga pinakamalaking kontribusyon ng ahensya sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa Talk to the People Address, sinabi ni NEDA Secretary Karl Kendrick Chua na sa loob ng nakaraang limang taon, kabilang sa naging kontribusyon ng ahensya ay ang Strong Economic Management, National ID, Rice Tariffication Law, Infrastructure at Ease of Doing Business.

Ani Chua, sa Strong Economic Management, tatlo ang gusto ng NEDA na maramdaman ng mga Pilipino, ito ang pagbaba ng presyo, ang pagkakaroon ng trabaho, at sapat na kita.

Sa National ID, batay sa tala nitong September 2021, 41.9 million na ang na-register para sa step one na pag-paparehistro, 28.6 million naman para sa step two, at 1.5 million na ang nakatanggap ng National ID.

Bukod dito, ibinahagi rin ng NEDA ang magandang naidulot at may pinakamalaking kontribusyon sa mamamayang Pilipino ng Rice Tariffication Law, Infrastructure at Programang Ease of Doing Business ng administrasyon.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *