National

NCRPO, naka-full alert sa posibleng paghihiganti ng ilang terror group

Bagama’t walang direktang natatanggap na pagbabanta mula sa anumang terror group ang National Capital Region Police Office o NCRPO, nagpatupad pa rin ito ng full alert status.

Ito ay kasunod ng pagkakaaresto ng mga otoridad sa asawa ni Khadafy Janjalani at Zulkifli Bin Hir alyas Marwan na si Juromee Dongon.

Ayon kay NCRPO Dir. Oscar Albayalde, posibleng maghiganti ang mga kasamahan ni Dongon sa pagkakaaresto nito.

Matatandaan si Dongon ay naaresto sa Lanao del Norte kabilang ang apat na kaanak at isang dating pulis na hinihinalang miyembro ng terror group.

Nakuha naman mula kay Dongon ang ilang armas at gamit sa pampasabog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *