NCRPO Chief
National

NCRPO Chief, nag-inspeksyon sa Araneta Center Bus Terminal

NAGSAGAWA ng inspeksyon si National Capital Region Police Office o NCRPO Chief Police Major General Guillermo Eleazar sa Araneta Center Bus Terminal sa Cubao, Quezon City.

Ito ay para siguraduhin ang kahandaan ng pulisya sa pagdagsa ng mga pasahero sa terminal at matiyak ang kaligtasan ng mga bibiyahe pauwi ng probinsya para bumoto sa Lunes.

Ilang araw bago naman ang halalan, patuloy ang pagdagsa ng mga pasahero sa Araneta Bus Terminal kung saan karamihan sa mga ito ay pauwi ng Bicol at Visayas.

Dagsa na rin ang mga pasahero sa mga terminal ng bus sa EDSA-Pasay.

Kaugnay nito, nagbabala ang MMDA sa matinding trapiko ngayong araw dahil inaasahang mas maraming bus sa EDSA dahil sa suspensyon ng number coding para sa mga provincial bus.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *