CORONAVIRUSMetroRegional

NCRPO, at ilang rehiyon, itinaas na sa full alert status laban sa COVID-19

MATAPOS ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Code Red Sublevel 2 kaugnay ng coronavirus disease o COVID-19 sa bansa, itinaas na rin ngayon ng NCRPO, PRO III, IV-A, IV-B at V ang kanilang status sa full alert.

Epektibo ang naturang full alert status simula kaninang hatinggabi.

Batay sa datos ng Department of Health, umabot na sa 52 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan lima rito ay nasawi.

Matatandaang inanunsyo rin kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang class suspensions at travel restrictions bilang preventive measures laban sa COVID-19.

Cainta, Rizal, sasailalim din sa community quarantine

NAGDEKLARA na rin ang pamahalaang lokal ng Cainta, Rizal na sasailalim sa community quarantine simula Marso 15.

Inanunsyu ni Mayor Keith Nieto ang kanyang deklarasyon sa pamamagitan ng kanyang social media account.

Ayon sa punongbayan, kailangan nila ng municipal wide quarantine dahil nakapagtala sila ng tatlong positibo ng COVID-19.

Kasunod narin ito sa deklarasyon ng ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang public address kagabi na mag-community quarantine ang local government unit(LGUs) kung may dalawang kaso ng virus sa lugar.

SMNI NEWS

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close