investment scam
National

NBI, nagbabala kaugnay sa mga nagsusulputang investment scam

MULING nagpaalala ang National Bureau of Investigation o NBI sa publiko laban sa mga nagsusulputang investment scam.

Ginawa ni NBI Special Investigator Bienvenido Panikan ang babala matapos ang isinagawang search warrant operation sa mga tanggapan ng Kabus Padatuon o KAPA Ministry International, Incorporated sa Compostela, Cebu.

Sinabi ni Panikan na dapat bantayan ng publiko ang mga investment scam gaya ng KAPA upang hindi masayang ang perang ini-invest dito.

Sa ngayon ay hinihintay na lamang ng NBI ang kopya ng freeze order mula sa Court of Appeals laban sa KAPA.

Samantala, patuloy namang binabantayan ng Securities and Exchange Commission o SEC ang mga investment scheme na nagsilabasan ngayon sa merkado.

Ayon kay Atty. Darwin Sotto ng SEC na dapat feasible ang isang uri ng investment scheme dahil hindi naman umano nagtatagal ang mga scam na nagbigay ng hindi kapani-paniwalang pangako sa publiko.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *