NBI, binalaan ang publiko sa mga nagkalat na pekeng copper mask sa merkado

NBI, binalaan ang publiko sa mga nagkalat na pekeng copper mask sa merkado

BINALAAN ng National Bureau of Investigation (NBI) ang publiko laban sa talamak na bentahan ng mga pekeng copper mask sa Divisoria, social media at mga online store.

Ayon sa CopperMask PH, ang kompanyang gumagawa ng copper mask sa bansa, dumulog na sila sa NBI upang balaan na rin ang publiko laban sa mga indibidwal na nagtatangkang manloko sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga pekeng mask.

Ayon sa nabanggit na kompanya, ang orihinal na copper mask ay may natural na antimicrobial at self-disinfecting property, katangian ng copper o tanso na nakapaloob sa face mask.

Dagdag pa ng mga ito, ang mga pekeng bersyon ng kanilang produktong copper mask ay walang proteksyon para labanan ang bacteria o virus mula sa pagpasok sa katawan ng tao.

Sa ngayon ay nakatutok na ang NBI sa kasong ito at sinabing sisimulan na nilang hulihin ang mga indibidwal na nagbebenta ng mga pekeng mask.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *