Kevin Durant
Sports

NBA Star Kevin Durant, wala pang desisyon para sa career sa 2019

WALA pang pinal na desisyon ang star player na si Kevin Durant.

Kaugnay sa kaniyang NBA career sa pagpasok nito bilang free agent sa 2019.

Ito ang naging pahayag ni Golden State Warrior player Durant sa naging media interview niya nitong Martes.

Ngunit paglilinaw naman ng 2017-2018 finals MVP na masaya ito sa kaniyang kasalukuyang koponan.

Sinabi pa nitong sa Golden State siya komportable kung saan mas nararamdaman niya ang isang pamilya.

Pag-amin pa nito na hindi niya talaga alam ang maaaring mangyari sa susunod na summer.

“It’s just where I want to play ball at, where I’m most comfortable, where I feel most at home,” aniya.

 “And I feel at home here.”

“I feel like I belong here. I feel like I mix with this team; I mesh with this team well.”

“With that being said, I really don’t know what’s going to happen this summer.”

Makokonsidera nga siyang isa sa highest-profile players na maaaring makakuha ng interes ng kanilang mga team rivals.

Kung sakali mang matutuloy nga ang pagiging free agent ni Durant sa 2019.

Samantala, sa ngayon ay mananatili pa din ang paglalaro ni Kevin Durant sa reigning champion na Golden State Warriors.

Nag-aasam aniyang maiuuwi muli ang kampeonato ngayong papasok na 2018-2019 Season.

Matatandaang, nakasungkit na ng 3 sunod na championship title ang Golden State Warriors sa huling 4 na NBA Seasons.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *