NBA player na nagpositibo sa COVID-19, humingi ng pasensya

NBA player na nagpositibo sa COVID-19, humingi ng pasensya

HUMINGI agad ng paumanhin sa lahat ang NBA player na si Rudy Gobert matapos itong magpositibo sa coronavirus disease o COVID-19.

Ayon sa Utah Jazz player, naging ‘careless’ siya kung kaya’t nahawaan ito ng naturang sakit.

Matatandaan na nitong linggo lamang ay pabirong hinawakan ni Gobert ang lahat ng microphones ng mga reporters matapos ang isang news conference.

Kaugnay nito, tiniyak ng manlalaro na gagawin nito ang lahat ng kanyang makakaya sa pagbibigay impormasyon sa publiko upang mapigilan ang pagkalat ng virus.

Sa huli ay siniguro niya na nasa maayos ito na pangangalaga at tuluyan siyang makaka-recover mula sa COVID-19.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *