Kyrie Irving
Sports

NBA all-star guard Kyrie Irving, nagtamo ng facial fracture

NAGTAMO ng facial fracture ang six time NBA all-star guard na si Kyrie Irving matapos masiko habang nag-eensayo.

Ito ang naging pahayag ng pamunuan ng Brooklyn Nets sa insidente.

Nakatakdang pangunahan ng NBA star ang pag-eensayo ng mga bagong manlalaro ng koponan.

Magugunitang pumirma ng 4-year contract ang manlalaro sa Nets na may $141 million na contract deal bago lisanin ang koponan ng Bolton Celtics.

Ayon sa general manager ng Brooklyn Nets na si Sean Marks, dumaan na sa medical evaluation ang manlalaro at tiniyak na hindi naman ito dapat ikabahala.

Nakatakda namang magbigay muli ng update ang Nets sa pangyayari ngayong Biyernes bago magsimula ang open training camp ng koponan sa darating na weekends.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *