Southern Leyte
Regional

Nawawalang mga mangingisda, nailigtas sa karagatan ng Southern Leyte

NAILIGTAS na ang limang indibidwal kabilang ang dalawang Australians na napaulat na nawawala matapos lumubog ang kanilang sinasakyang motor banca sa gitna ng Hinunangan, Southern Leyte at Loreto, Surigao del Norte kahapon.

Na-rescue ang mga ito ng mga tauhan ng Hinunangan, Silago at Hinundayan Disaster Risk and Reduction Management Office maging ng mga rescuer mula Loreto, Surigao del Norte, Philippine Coast Guard at PNP.

Ayon sa Hinundayan Police, natagpuan ang mga biktima na palutang-lutang sa karagatang malapit sa Homonhon Island habang nakahawak sa mga gamit na naiwan sa kanilang bangka.

Nabatid na nangingisda ang lima nang lumubog ang kanilang bangka.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *