Missile Treaty
International

NATO chief, nanawagang ipagpatuloy ng Russia ang Nuclear Missile Treaty

NANAWAGAN ang North Atlantic Treaty Organization o NATO sa Russia na ipagpatuloy ang pagsunod sa Intermediate-Range Nuclear Forces (INF) Treaty bago sumapit ang deadline sa buwan ng Agosto at nagbabalang paparusahan ang bansa kapag patuloy nitong nilabag ang Missile Treaty.

Sa ilalim ng 1987 INF Missile Treaty ay ipinagbabawal nito ang short at medium-range missiles sa pagitan ng US at ng Soviet Union.

Noong Hunyo ay nagbabala ang Amerika na tuluyang kakalas sa Missile Treaty sa Agosto kapag hindi sinira ng Russia ang Cruise Missile System nito at inakusahan ang huli ng patuloy na paglabag sa kasunduan.

Itinanggi naman ng Russia ang paratang ng US habang sinisikap ng NATO na iligtas ang Nuclear Treaty at pag-ayusin ang dalawang bansa.

US, tinanggal ang Turkey sa Fighter Jet Program

Tuluyan nang tinanggal nang US ang Turkey sa kanilang F-35 Fighter Jets Program matapos tanggapin ng Ankara ang Defense Missile System mula Russia.

Ayon sa White House ay hindi maaaring pagsabayin ng Turkey ang pag-angkat ng Defense System mula sa Amerika at Russia sa pangambang makakuha ng impormasyon ang Russian intelligence sa “advanced capabilities” ng US.

Bagama’t kaalyado ng Turkey ang Amerika ay kasalukuyan din itong nakikipaglapit sa Russia.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *