Nationwide Simultaneous Eearthquake Drill
National

Nationwide Simultaneous Earthquake Drill, isasagawa ngayong araw

HINIKAYAT ng Phivolcs ang publiko na makiisa sa isasagawang ikalawang quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill o NSED ngayong araw.

Sa abiso ng Phivolcs, ganap na 2:00 mamayang hapon magsisimula ang earthquake drill kung saan magiging ceremonial venue ang city government ng Bayugan sa Agusan del Sur.

Gaya ng mga naunang drill, magpapatunog ng sirena na hudyat ng pagsisimula ng shake drill.

Hinimok ng kagawaran ang lahat na sabay-sabay na mag-duck, cover, and hold pagsapit ng nabanggit na oras.

Layon ng NSED na masukat ang kahandaan at masubukan ang response at recovery plans sakaling tumama ang malakas na lindol o ang tinatawag na “The Big One.”

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *