Nationwide simultaneous Bike for Peace and Justice para sa mga naging biktima ng CPP-NPA-NDF isinagawa sa Cagayan

Nationwide simultaneous Bike for Peace and Justice para sa mga naging biktima ng CPP-NPA-NDF isinagawa sa Cagayan

ISINAGAWA sa lalawigan ng Cagayan ang nationwide simultaneous Bike for Peace and Justice o “Padyak Cagayano kontra Terorismo” para sa lahat ng mga naging biktima ng makakaliwang grupo ng CPP-NPA-NDF sa bansa.

Nagtipon-tipon ang mga cyclists sa lalawigan ng Cagayan sa ginanap na nationwide simultaneous Bike for Peace and Justice dito sa lalawigan ng Cagayan araw ng Sabado ng Hulyo 17.

Nagkaisa ang mga siklista sa ginanap na nationwide simultaneous Bike for Peace and Justice para sa hustisya ng mga naging biktima ng mga rebeldeng grupong CPP-NPA-NDF sa buong bansa.

Pinangunahan ito ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) at provincial government of Cagayan, Rotary Club of Tuguegarao Citadel, DILG Region 02, SK KKDAT at Rotary Citadel.

Kasabay ng aktibidad ay inalala rin ang 40th araw ng kamatayan ni Keith Absalon isang national athlete at pinsan nitong si Nolven Absalon matapos na masabugan ng landmine at barilin sa probinsya ng Masbate ng mga makakaliwang grupo ng nakaraang buwan ng Hunyo.

Ayon kay Cagayan Governor Manuel Mamba, mariing kinokondena ng gobyerno ang marahas na pagpatay at paninirang puri ng mga rebeldeng grupo hindi lamang sa Cagayan kundi sa buong bansa.

Ang aktibidad ay panawagan din para sa mga kabataan na magkaroon ng pangangalaga at pagmamalasakit sa bansa.

Tiniyak naman ni Gov. Mamba kasabay ng pagpirma nito sa manifesto na ang pamahalaang panlalawigan ng Cagayan ay susuportahan ang mga programa ng gobyerno laban sa CPP-NPA-NDF.

(BASAHIN: Cagayan River Restoration Project sa bayan ng Appari pormal ng binuksan)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *