National dengue alert
Health National

National dengue alert, idineklara ng Department of Health

IDINEKLARA ng Department of Health ang national dengue alert ngayong araw bunsod ito ng pagtaas ng kaso ng dengue.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, mula Enero hanggang nitong Hunyo 29 ng taon, umabot sa kabuuang 106, 630 kaso ng dengue ang naitalang kaso sa buong bansa.

Mas mataas ito ng 85% kumpara noong nakaraang taon.

Aabot naman na aniya sa 456 ang naitalang nasawi sa naturang sakit kung saan karamihan sa mga ito ay bata na nasa edad 5 hanggang 9 na taong gulang.

Ito naman ang unang pagkakataon na nagdeklara ng national dengue alert ang DOH.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *