“Brain Fever”
International

Nasawi dahil sa “Brain Fever” sa India, mahigit 150 katao na

PUMALO na sa 152 ang bilang ng mga batang nasawi dahil sa sakit na “Brain Fever”” sa Bihar State sa India.

Inatasan na ng Supreme Court sa India ang pamahalaan na ipaliwanag ang mga ginagawa nitong hakbang para matigil ang paglaganap ng Acute Encephalitis Syndrome (AES), isang nakakamatay na sakit na pinaniniwalaang nakukuha sa pagkain ng hilaw pang lychee.

Sa datos ng mga otoridad, maliban sa 152 na nasawi sa eastern state ng India ay nasa 131 pa ang ginagamot sa dalawang hospital sa Muzaffarpur, ang epicenter ng outbreak.

Ayon sa health officials, namatay ang 111 sa mga ito sa state-run Sri Krishna Medical College and Hospital at ang dalawampung iba pa ay sa Kejriwal Hospital na pinatatakbo ng isang private trust.

Pinaiimbestigahan rin ng punong mahistrado sa India ang posibleng kapabayaan ng Federal Health Minister sa dalawang apektadong lugar.

Ang ‘Brain Fever’ ay pamamaga ng utak na karaniwang nakaaapekto sa mga undernourished na bata na edad 10 pababa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *