sunog
Metro

Nasa 600 pamilya, nawalan ng tirahan sa sumiklab na sunog sa isang residential area sa Makati City

Tinatayang nasa animnaraang pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog sa Bernardino Street, Laperal Compound sa Barangay Guadalupe Viejo, Makati.

Ayon sa Makati Fire Department,  pasado ala una ng madaling araw nang masunog ang nasa tatlundaang kabahayan.

Umabot sa Task Force Bravo ang sunog bago naapula alas 5:26 ng umaga.

Inaalam pa ang kabuuang halaga ng mga nasunog na ari-arian at ang pinagmulan nito.

Tatlong miyembro naman ng Philippine Red Cross (PRC) ang nasugatan sa insidente.

Samantala, sugatan ang dalawa katao sa sunog sa isang industrial area sa Barangay Rincon, Valenzuela.

Alas 8:32 ng umaga nang sumiklab ang sunog na umabot sa ikatlong alarma bago ito idineklarang fire under control.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), paggawaan ng plastic cups ang nasunog na pabrika.

Sa ngayon, fire out na ang sunog at inaalam na ang posibleng pinagmulan nito.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *