patuloy na na-stranded
International

Nasa 100 Hong Kong protesters, patuloy na na-stranded sa loob ng Hong Kong Polytechnic University

TINATAYANG nasa 100 pa na mga Hong Kong protesters ang patuloy na stranded sa loob ng Polytechnic University ngayong martes habang patuloy na pinapalibutan ng Hong Kong police ang lugar.

Dose-dosenang Hong Kong protesters ang nagpumilit tumakas mula sa unibersidad noong lunes kung saan nagmistulang riot zone ang lugar.

Desperadong tumakas ang Ilang Hong Kong protesters mula sa loob ng campus gamit ang lubid habang ang iba naman ay tumakas gamit ang motorbikes.

Arestado ang ilan sa mga demonstrador na sinalubong ng tear gas at rubber bullets habang nagtatangkang tumakas habang nasa 119 na iba pa ang sugatan sa insidente.

Pinayagan naman makaalis ang ilang demonstrador na may edad 18 taong gulang pababa habang posibleng maantala ang gaganaping district elections ngayong araw ng linggo, ika-24 ng Nobyembre dahil sa tumitinding tensyon sa rehiyon.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *